Kinumpirma ni dating COA State Auditor Roderick Wamil sa direct examination sa kanya ni Atty. Lorna Kapunan na wala silang natanggap na resibo mula sa Office of the Vice President para sa mga pinagbibili ng mga ito gamit ang kanilang confidential funds.

Ani Wamil, ang natanggap lang nila mula sa mga ito ay acknowledgement receipts imbis na official receipts o di kaya ay sales invoice.

Samantala, sinagot naman din nito si Kapunan na hindi naman maituturing na ‘confidential’ ang mga drugstore, grocery store o hardware na pinagbilhan ng opisina ni VP Sara.

Pagkatapos nito, nagmosyon naman ang defense team partikular na si Atty. Michael Poa na alisin ang sagot ni Wamil dahil hindi ito competent na sagutin ang tanong.

Ngunit bilang ruling ni Presiding Officer Chiz Escudero ay hinayaan niya na sumagot si Wamil.

-- ADVERTISEMENT --