
Tumutol ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa pagmamarka ng bahagi ng affidavit ng dating pulis na si Arturo Lascañas bilang ebidensya sa impeachment trial.
Ayon kay lead defense counsel Sheila Sison, hindi notarized ang affidavit at wala pang testigong nagpatunay sa pagiging tunay nito.
Iginiit din niyang hindi ito dapat tanggapin bilang ebidensya dahil maituturing umano itong hearsay.
Nauna nang binasa ng NBI ang bahagi ng affidavit ni Lascañas, na naglalaman ng mga alegasyon kaugnay ng umano’y “Oplan Tokhang” at mga insidente ng extrajudicial killings sa Davao City.










