Inasahang pagbobotohan ngayong araw ng mga kongresista sa plenaryo ng kamara ang pinal na pasya kaugnay sa ethics complaint laban kay Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay.

Nag-ugat ang reklamo sa sinabi ni Suntay na nag-init siya ng makita sa mall ang aktres na si Anne Curtis.

Magugunitang sinabi ito ni Suntay sa pagdinig noon ng House Committee on Justice sa mga impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pagtalakay ng plenaryo kahapon ukol sa pagpapatalsik kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ay nagpasalamat si Suntay sa ilang mga kasamahang mambabatas na tumindig upang hindi daw siya mapatawan ng parusang suspensyon.

May impormasyon na may rekumendasyon na ang House Committee on Ethics and Privileges na “sanctions” laban kay Suntay na kinabibilangan ng paghingi ng tawad kay Curtis, reprimand o pagsasabihan siya, at pagsasagawa ng community service.

-- ADVERTISEMENT --