Nagsasagawa ng imbestigahan ang Department of Justice sa umano’y suhulan para makalabas ng bansa ang pamilyang Guo.

Ito ay kasunod ng ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na mayroon umano siyang natanggap na impormasyon na nagbayad ang pamilya Guo ng P2 million para makalabas ng bansa sina dating Bamban Mayor Alice Guo, Shiela Guo at Wesley Guo.

Sa pagdinig ng Senado, isinalaysay ni Shiela kung paano sila nagpalipat-lipat ng sasakyan para makapunta sa Malaysia sa pamamagitan ng barko.

Maging si Justice Secretary Crispin Remulla ay naniniwala na gumastos ng malaki ang mga Guo kaya mabilis na nakalabas ang mga ito sa bansa.