
Inilunsad ng Department of Science and Technology Region 2 ang programang I-Forward upang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na magsimula ng negosyo sa Pilipinas.
Ayon kay DOST Region II Director Virginia Bilguera, nagbibigay ang programa ng pagsasanay sa pagnenegosyo, pagpapaunlad ng mindset, at paggamit ng AI at e-commerce, na maaaring tumagal ng hanggang isang taon.
Para sa mga low-income OFWs, may paunang tulong pinansyal para sa kagamitan at gabay mula sa mga eksperto.
Matapos ang tatlong taon, maaaring lumipat ang mga benepisyaryo sa Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) para sa pagpapalawak ng negosyo.
Bukod sa I-Forward, mayroon ding Technology Needs Assessment, scholarship, capacity building, at research development para sa ibat ibang sektor.
Nakikipagtulungan ang DOST Region 2 sa mga LGU, media, at akademya upang matiyak na ang kanilang mga programa ay angkop at epektibo sa pagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran para sa mga Pilipino.










