Kinumpirma ng Tarlac City Police na negatibo sa ilegal na droga at alak ang driver ng Solid North Bus Transit Inc. na sangkot sa malagim na aksidente sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) noong Mayo 1.

Ayon kay PLTCOL Romel Santos, dumaan ang driver sa alcohol breath test at mandatory drug testing alinsunod sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, at parehong negatibo ang resulta.

Kaugnay nito, inihayag ni DOTr Secretary Vince Dizon na lahat ng PUV drivers ay sasailalim na sa regular at mandatory drug testing, kasunod ng sunod-sunod na aksidente sa kalsada.