Nakataas na sa blue alert status ang Disaster Response Command Center (DRCC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda sa posibleng epekto ng low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Visayas.

Ayon sa ahensya, aktibong mino-monitor ng kanilang mga tauhan ang sitwasyon at naka-deploy na rin ang mahigit tatlong milyong kahon ng family food packs (FFPs) at 360,000 non-food items sa iba’t ibang lokasyon sa bansa.

Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian na tiyaking handa ang ahensya sa anumang kalamidad.

Pahayag ni Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group, fully activated na ang DRCC upang maging alerto sa anumang posibleng epekto ng sama ng panahon.

Bukod sa relief goods, naka-standby na rin ang mga response team sa bawat DSWD Field Office at patuloy ang koordinasyon sa PAGASA, NDRRMC, at mga lokal na pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Muling pinaalalahanan ng DSWD ang publiko na maging mapagmatyag at sundan ang mga anunsyo ng lokal na awtoridad.