Screenshot

Patuloy na makaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas sa Lunes, Hulyo 6.

Magdadala ito ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.

Nananatili namang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Bavi, na huling namataan sa layong 2,575 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 250 kilometro kada oras.

-- ADVERTISEMENT --