Sinagot ni Eddie Gutierrez ang fake news na siya ay patay na.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Gutierrez na buhay na buhay siya.

Idinagdag pa ng screen legend na magiging 84 anyos na siya sa Pebrero 6, at nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil sa binibigyan pa siya ng maraming taon, at nagpasalamat sa kanyang pamilya dahil sa pinapanatili siyang malusog at masaya.

Nagpapagaling si Gutierrez sa ilang health issues, kung saan ay kinailangan pa siyang dalhin sa Singapore para sa ilang procedures.

Nitong buwan ng Disyembre, sumailalim sa spinal procedure.

-- ADVERTISEMENT --

Habang nagpakita ng pagbuti sa kanyang kundisyon, sinabi ng kanyang anak na si Ruffa na may nakitang “serious infection” sa kanyang MRI.

Nitong nakalipas na buwan, bumalik si Gtierrez sa Singapore kasama ang asawa na si Annabelle at anak na si Ruffa para sa isa pang medical procedure.