
Nagbabala ang isang maritime security expert na umano’y ginagamit ng China ang media at mga institusyong pang-edukasyon upang maimpluwensyahan ang pananaw ng publiko sa Pilipinas.
Sa isang nitong Sabado, sinabi ng analyst na si Ray Powell na batay sa mga imbestigasyon, aktibo umano sa ibang bansa ang United Front Work Department ng Chinese Communist Party, kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay Powell, isinusulong umano ng Chinese Communist Party ang “patriotism” sa mga Chinese school at binanggit ang isang “blood transfusion plan” na iniulat na ipinatupad sa pamamagitan ng Philippine Chinese Education Research Center noong 1991.
Dagdag pa niya, minsan na ring nagtipon ang Chinese Embassy ng mga kinatawan mula sa walong Mandarin-language media outlets sa Maynila.
Wala pang opisyal na pahayag ang panig ng China kaugnay sa nasabing alegasyon.










