Ikinalugod ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang planong pagtanggal ng Value Added Tax o VAT sa System Loss sa Oktubre o Nobyembre batay sa inihayag ni Energy Regulatory Commission Chairperson Francis Saturnino Juan sa budget hearing ng House Committee on Appropriations.

Ayon kay Tiangco, makakatulong ang pagtapyas ng VAT sa System Loss para mabawasan ang gastos sa kuryente ng publiko.

Pero giit ni Tiangco, hindi ito sapat dahil ang nararapat ay alisin mismo ang system loss sa bayarin sa kuryente ng mamamayan.

Bunsod nito ay patuloy na isinusulong ni Tiangco na maipasa ang panukalang batas na layuning tuluyang burahin sa electricity bills ang system loss charges.