
Dinala sa Sandiganbayan nitong Martes si dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan upang dumalo sa pagdinig ng kasong graft na may kaugnayan sa umano’y flood control kickback scheme.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nananatili si Bonoan sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) General Hospital habang hinihintay ang magiging kautusan ng korte matapos ang pagdinig.
Sinabi ng CIDG na handa silang sumunod sa anumang magiging direktiba ng Sandiganbayan, kabilang ang posibleng paglilipat kay Bonoan sa isang pasilidad ng piitan kung iuutos ng korte.
Isa si Bonoan sa mga nahaharap sa kaso kaugnay ng umano’y multibilyong pisong anomalya sa mga flood control projects na kasalukuyang dinidinig ng Sandiganbayan.









