Isiniwalat ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan na lahat umano ng senador ay nakatanggap ng tinatawag na leadership fund mula 2024.

Ayon kay Bonoan, inilaan umano ng DPWH ang pondo para sa mga senador na nagrerekomenda ng mga proyekto. P500 milyon umano ang allocation ng bawat senador, habang umaabot sa P1 bilyon ang para sa mga senador na may committee chairmanship.

Tinatayang P24 bilyon umano ang kabuuang leadership fund, na nasa discretion noon ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri, na maaari rin umanong magdagdag sa allocation.

Sinabi rin ni Bonoan na sina dating senador Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada umano ang ginamit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa pagsusumite ng mga listahan ng proyekto. Nagsumite rin umano ng project lists sina Senators Bong Go at Robin Padilla.

Ayon pa kay Bonoan, nagpasalamat umano sa kanya sina Padilla at Senator Imee Marcos para sa kanyang assistance.

-- ADVERTISEMENT --