Hinatulan ng korte sa South Korea na makulong ng habang-buhay si dating Pangulong Yoon Suk Yeol, matapos na mapatunayang guilty sa mga kasong abuse of authority at mastermind ng insurrection, na nag-ugat sa hindi nagtagal na pagdedeklara niya na martial law noong December 2024.

Hindi pinagbigyan ng korte ang kahilingan ng prosecutors na patawan si Yoon ng parusang kamatayan.

Sa argumento ng prosecutors, karapat-dapat lang ang parusang kamatayaan para kay Yoon dahil sa nagdulot sa krisis sa pulitika ang deklarasyon niya ng martial law.

Parusang bitay ang katumbas ng pagiging mastermin ng insurrection o habang-buhay na pagkakabilanggo sa ilalim ng batas ng South Korea.

Matatandaan na nagtagal lamang ng anim na oras ang martial law, subalit nagbunsod ito ng mga kaguluhan at pagkakahati-hati ng mga mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --