
Nagpulong sina Health Secretary Ted Herbosa at Singapore Health Minister Ong Ye Kung upang talakayin ang mas pinalawak na kooperasyon sa larangan ng kalusugan.
Kabilang sa napagkasunduan ang pagbibigay ng advanced training at master’s degree opportunities sa Singapore para sa mga Filipino healthcare professionals upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan.
Pagbalik sa bansa, inaasahang magsasanay rin ang mga graduate ng lokal na healthcare workforce sa Pilipinas.
Pinuri rin ni Herbosa ang Singapore dahil sa mga inobasyon nito sa health promotion at pagtugon sa mga nakahahawang sakit.
Tinalakay din ng dalawang opisyal ang pagsusulong ng vape ban sa mga bansang kasapi ng ASEAN, kasama ang iba pang usapin tulad ng digital health, health security, at healthcare infrastructure.









