
Pasok na sa Round of 16 ng FIFA World Cup 2026 ang Canada matapos talunin ang South Africa, 1-0, sa Round of 32 sa Inglewood, California.
Naipasok ni Stephen Eustaquio ang nag-iisang goal ng laban sa ikalawang minuto ng stoppage time ng second half matapos samantalahin ang maling clearance ng depensa ng South Africa.
Haharapin ng Canada sa susunod na yugto ang mananalo sa pagitan ng Morocco at Netherlands.
Sa kabuuan ng laban, nangibabaw ang Canada sa opensiba matapos makagawa ng 18 tira, pito rito ang tumama sa target, habang walong beses lamang nakatira ang South Africa.










