
Nasungkit ng Filipino-American cinematographer na si Autumn Durald Arkapaw ang Best in Cinematography sa Oscar para sa pelikula ni Ryan Coogler na “Sinners”.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan niya ang kanyang direktor sa tiwala nito.
Bilang kauna-unahang woman of color na nakakuha ng naturang parangal, hinikayat niya ang mga kababaihan na manindigan.
Wala umano siya sa kinatatayuan niya kung hindi dahil sa kanila.
Umaasa si Autumn na magsisilbing insiprasyon ang natanggap niyang award sa mga batang babae na pasukin din ang larangan ng cinematography.
-- ADVERTISEMENT --






