Patuloy na nilalabanan ng mga bumbero ang malawakang wildfire sa timog-kanlurang France na nagdulot ng pambihirang “fire thunderstorm” habang papalapit ang apoy sa lungsod ng Bordeaux.

Ayon sa mga ulat, ang matinding init mula sa sunog ay lumikha ng sariling hangin at pagkidlat, dahilan upang mabuo ang tinatawag na fire thunderstorm.

Bahagyang humupa ang sitwasyon magdamag matapos humina ang hangin at makaranas ng kaunting pag-ulan sa Gironde region.

Mahigit 300,000 katao na ang inilikas sa France at Spain dahil sa magkakahiwalay na wildfire, habang marami ang pansamantalang nanunuluyan sa mga sports hall at exhibition center.

Isang British na residente malapit sa apektadong lugar ang nagsabing mistulang nasa “warzone” ang kanilang nararanasan.

-- ADVERTISEMENT --