
50% nang mas mababa ang babayaran ng mga residente sa malalayong barangay sa bansa sa kanilang bayarin sa ligtas na inuming tubig.
Kasunod ito ng mga interbensyon ng Water Resources Management Office (WRMO).
Nagkaloob ang WRMO mataas na kapasidad na kagamitan na mapapakinabangan ng mga local water districts.
Nabawasan P15 kada 5-gallon container ang retail price ng malinis na inuming tubig.
Ayon sa DENR, nagawang maibaba ang gastusin sa pamamagitan ng Water Filtration Program ng WRMO sa gastusin sa mainom na tubig sa mga komunidad ng malayong isla sa Romblon, Sorsogon, Occidental Mindoro, Bohol, at Zamboanga City mula sa P50 hanggang P70 patungong hanggang P20 hanggang P25 lamang bawat 5-gallon container.
-- ADVERTISEMENT --










