Nakasiguro na ng puwesto sa knockout round ng FIFA World Cup ang Germany matapos talunin ang Ivory Coast, 2-1, sa Group E match sa Toronto, Canada.

Naging bayani si Deniz Undav matapos itala ang dalawang goal, kabilang ang game-winning strike sa stoppage time upang kumpletuhin ang pagbalik ng Germany mula sa pagkakaiwan sa iskor.

Unang nakalamang ang Ivory Coast sa first half sa pamamagitan ng goal ni Franck Kessie, ngunit nakabawi ang Germany nang maitabla ni Undav ang laban sa ika-68 minuto.

Sa ikaapat na minuto ng dagdag na oras, muling umiskor si Undav upang tuluyang ibigay sa Germany ang panalo at tiket sa susunod na yugto ng torneo.

Dahil sa panalo, nanguna ang Germany sa Group E na may anim na puntos at nakamit ang kanilang unang pagpasok sa knockout stage ng World Cup mula noong 2014 nang masungkit nila ang kampeonato.

-- ADVERTISEMENT --