
Pasok na sa quarterfinals ng 20th Asian Games ang Gilas Pilipinas Women matapos talunin ang Hong Kong, 90-73, ngayong Linggo sa Aichi International Arena sa Japan.
Dikitan ang laro sa unang tatlong quarters bago tuluyang kumawala ang Gilas sa fourth quarter, sa pangunguna nina Stefanie Berberabe, Afril Bernardino at Jhaz Joson.
Nanguna sa scoring si Berberabe na may 21 puntos, habang nagdagdag si Bernardino ng 17 puntos at 11 rebounds.
May 15 puntos naman si Joson, habang nagtala si Camille Malagar ng 14 at Elizabeth Medina ng walong puntos.
Dahil sa panalo, umakyat sa unang puwesto ng Group B ang Gilas Women tangan ang 2-0 record at awtomatikong nakapasok sa top eight ng torneo.
-- ADVERTISEMENT --










