Nagbunsod ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa ang tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat nitong Sabado.

Kabilang sa nakaranas ng pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region, kung saan ilang residente ang inilikas dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

Sa Batangas at Cavite, umabot sa hanggang dibdib ang baha sa ilang lugar, habang ilang kalsada naman sa Quezon City, Manila, Bulacan, Dagupan at Baguio ang binaha.

Samantala, isang puno ng pino ang bumagsak sa Barangay Happy Hollow, Baguio City, dahil sa lumambot na lupa bunsod ng malakas na pag-ulan.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --