Apektado ngayong araw ng Linggo ng southwest monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa state weather bureau, ang MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Samantala, ang Tuguegarao City at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng Localized Thunderstorms.