Malakihang rollback ang inaasahan sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito’y sa gitna ng muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, at ang paglagda ng peace deal sa pagitan ng Amerika at ng Iran.

Sa pagtataya ng oil industry sources, matapos ang 4 trading days ay maaaring umabot ng hanggang P10 ang maaaring matapyas sa diesel.

Maglalaro mula P8.00 hanggang P10.00 ang rollback sa kada litro ng diesel; habang P4.00-P6.00 naman ang maaaring mabawas sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene, mayroon ding inaasahang mula P9.00 hanggang P11.00 na tapyas sa kada litro.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon pang natitirang isang trading day kaya naman, maaaari pa itong mabawasan, ‘o ‘di kaya’y madagdagan.

Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, at sa Martes naman ito magiging epektibo.