
Naghihintay ang Iran sa opisyal na tugon ng United States sa panukalang muling buksan ang Strait of Hormuz at itigil ang labanan sa Middle East.
Ayon sa mga ulat, tinanggihan umano ni US President Donald Trump ang naturang peace plan, bagama’t hindi pa ito opisyal na nakukumpirma.
Inihain ng Iran ang panukala sa United Nations General Assembly sa New York sa pamamagitan ng mga mediator mula Qatar. Nakasaad dito na maaaring muling buksan ang strategic waterway at magkaroon ng tigil-putukan sa rehiyon sa loob ng pitong araw.
Sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi na handa na ang kanilang panig para sa kasunduan, kabilang ang mas malawak na negosasyon na maaaring tumalakay sa nuclear program ng Iran.
Samantala, patuloy ang tensyon sa Middle East, kabilang ang mga pag-atake ng Houthi sa Saudi Arabia at mga hakbang ng mga kaalyado nito upang palakasin ang depensa ng kaharian.









