Naglatag ang Iran ng mga kondisyon para muling makipag-usap sa United States at isulong ang pagtatapos ng kanilang digmaan, ayon kay Iranian Security Chief Mohsen Rezaei.

Ayon sa ulat ng Reuters, sinabi ni Rezaei na kabilang sa hinihingi ng Iran ang pagtatapos ng labanan sa lahat ng front, pag-unfreeze ng mga pondong Iranian at pagtigil sa naval blockade.

Patuloy umano ang konsultasyon ng Tehran sa mga mediator mula Qatar at Pakistan habang hinihintay ang tugon ni US President Donald Trump.

Hindi pa malinaw kung tatanggapin ng Washington ang mga kondisyong inilatag ng Iran.