
Aabot sa 543 na mga pasahero, truck driver at helper ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na i-stranded sa mga pantalan.
Partikular sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon at Southern Visayas.
Karamihan sa mga pasaherong stranded ay mula sa 19 na pantalan sa Southern Tagalog kung saan patuloy silang inaalalayan at tinutulungan ng PCG.
Sa kabuuan, nasa 26 pantalan ang apektado bunsod ng bagyo habang may 147 na rolling cargo ang stranded kung saan 112 na vessel at 34 na motorbancas ang pansamantalang nakidaong sa ibang pantalana para na rin sa kanilang kaligtasan.










