Walang nakitang oil spill ang Philippine Coast Guard (PCG) mula sa tugboat na sinadyang isadsad sa Botolan, Zambales matapos pasukin ng tubig ang engine room nito.

Ayon sa PCG, nananatiling selyado ang lahat ng fuel tank ng SL SUAI 1.

Ligtas namang nailigtas ang siyam na tripulante.

Nakatagilid ngayon nang 30 degrees sa kanang bahagi ang barko.

Isasagawa ang emergency salvage operation kapag bumuti na ang panahon, kabilang ang pag-refloat sa tugboat at pag-pump out ng tubig-dagat na pumasok dito.

-- ADVERTISEMENT --