Apat pang indibidwal na nakalista sa passenger manifest ng MV June Aster ang nakumpirmang Hindi nakasakay sa barko nang umalis ito sa Baseco Port sa Maynila noong Setyembre 8, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, nadiskubre ng emergency operation center sa coron noong Setyembre 15 na hindi sakay ng barko ang apat nang masunog ito habang patungo sa Coron, Palawan noong Setyembre 9.

Tatlo sa mga ito ang umano’y nagplanong mag-book ng biyahe mula Coron patungong Maynila ngunit nagkamali at Manila-to-Coron ang kanilang nai-book.Pangkalahatang Sanggunian

Samantala, ang ikaapat ay nakapag-book na ng ibang ticket at nakabiyahe na patungong Coron sakay ng ibang passenger vessel noong Setyembre 5.

Dahil dito, sinabi ng PCG na 128 pasahero at 17 crew members ang aktuwal na sakay ng MV June Aster nang umalis Ito sa Maynila.

-- ADVERTISEMENT --

Nananatili sa 77 ang bilang ng nasawi, habang 43 survivors ang accounted for at walo naman ang opisyal na nawawala.

Patuloy pa rin ang pcg sa pagbe-verify at pagre-reconcile ng passenger information sa manifest.