Umabot na sa 9,096 barangay sa buong bansa ang nanganganib sa landslide at baha dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng Habagat at natitirang epekto ng bagyong Maymay.

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau, pinakamarami sa mga lugar na nasa panganib ang nasa Ilocos Region na may 2,933 barangay, sinundan ng Central Luzon na may 1,997 at CALABARZON na may 1,806.

Kabilang din sa mga lugar na mino-monitor ang National Capital Region na may 1,403 barangay, Cordillera Administrative Region na may 707, MIMAROPA na may 113 at Cagayan Valley na may 47 barangay.

Hinimok ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga lokal na awtoridad ang anumang senyales ng pagguho ng lupa, pagbitak ng kalsada, o biglaang pagtaas at paglabo ng tubig sa mga ilog at sapa.

Pinayuhan din ang mga residente sa bulubundukin at mabababang lugar na sumunod sa mga abiso ng LGU, kabilang ang preemptive evacuation kung kinakailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ayon sa Office of Civil Defense, anim na katao na ang nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Habagat at mga nagdaang bagyong Luis at Maymay.