Nag-landfall na ang Bagyong MAYMAY sa Magsingal, Ilocos Sur kaninang 4:00 AM habang tinatawid ang kabundukan ng Hilagang Luzon, ayon sa DOST-PAGASA.

Taglay nito ang hanging 65 km/h at pagbugsong 110 km/h habang kumikilos silangan sa bilis na 10 km/h.

Signal No. 2: Ilocos Norte, hilaga/gitnang Ilocos Sur, Abra, at kanlurang bahagi ng Apayao, Kalinga, at Mountain Province.

Signal No. 1: Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Babuyan Islands, La Union, hilagang Pangasinan, at natitirang bahagi ng CAR at Aurora.

Inaasahang hihina ang bagyo habang tumatawid sa kabundukan at lalabas bilang remnant low sa silangang baybayin ng Cagayan o Isabela bago sumanib sa Bagyong DOLPHIN.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinagbabawal ang pagpalaot sa mga seaboard ng Hilagang Luzon dahil sa Gale Warning at matataas na alon.