
Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa patuloy na suporta, tiwala, at pagmamalasakit ng kanyang mga tagasuporta sa gitna ng kinakaharap niyang isyu kaugnay ng impeachment.
Sa panayam sa The Hague, sinabi ni Duterte na araw-araw niyang ipinagpapasalamat ang hindi nawawalang suporta ng kanyang mga kababayan.
Aniya, ramdam niya na hindi lamang simpleng suporta ang ipinapakita sa kanya kundi tunay na pagmamalasakit na hindi aniya natatanggap ng lahat ng opisyal ng gobyerno.
Hindi pa nagbibigay ng direktang pahayag si Duterte kaugnay sa hakbang ng Kamara na i-impeach siya dahil sa umano’y korapsyon at betrayal of public trust.
Noong Lunes, bumoto ang House of Representatives ng 257-25-9 pabor sa impeachment at sa pagpapadala ng Articles of Impeachment sa Senado na magsisilbing impeachment court.
Samantala, sinabi ng legal team ni Duterte na handa silang ipagtanggol ang Bise Presidente sa Senado sakaling tuluyang umusad ang impeachment trial.










