
Mariin na kinondena ni Senadora Risa Hontiveros sa kanyang post sa social media ang tuloy tuloy na death threats at pro-killing comments na naglipana online kasunod ng naging pagkamatay ng vlogger na si Mima Alicia.
Ayon kay Hontiveros, imbis na makiramay ang mga ito ay may ilan pa ang nagdiriwang sa gitna ng kamatayan habang ang ilan ay nag-uudyok pa ng karahasan.
Sa ngayon, isiniwalat naman ng senadora na nakakatanggap siya ng maraming tahasang pagbabanta sa kanya na siya na raw ang susunod.
Kaugnay ng bantang ito, sinabi ni Hontiveros na naisumite na niya sa National Bureau of Investigation ang pangalan at maging screenshots ng mga social media users na gumamit ng pambabanta sa kanya.
Nanawagan naman din siya sa social media platforms at maging law enforcement agency na desisyunan agad ang kultura ng ‘impunity’ o kawalang parusa online.
Ayon sa senadora, hindi dapat maging normal ang pagbabanta sa buhay ng bawat isa kahit gaano man kalalim ang pagkakaiba sa pulitika.










