Nanawagan si Senador Risa Hontiveros kay Sen. Ronald Bato dela Rosa na igalang ang batas at makipagtulungan sa mga awtoridad kasunod ng direktiba ng Department of Justice na ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court o ICC laban sa senador.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Hontiveros na dapat manaig ang rule of law at due process sa gitna ng umiinit na usapin.

Hinimok din niya si Sen. Bato na mag-submit sa mga otoridad at sumunod sa legal na proseso.

Samantala, sinabi naman ni Raffy Tulfo na ipinagdarasal niya ang kalusugan at kaligtasan ni Dela Rosa at ng pamilya nito.

Ayon kay Tulfo, nasa senador pa rin ang desisyon kung susuko ito, ngunit maaari umanong makatulong ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang maiwasan ang mas malaking problema.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy namang tinututukan ng publiko ang mga susunod na hakbang kaugnay ng pagpapatupad ng ICC warrant laban kay Sen. Dela Rosa.