
Dinetine ng US immigration authorities sa Los Angeles, California ang singer na si Mark Mabasa, anak ng yumaong broadcaster na si Percy Lapid.
Batay sa US Immigration and Customs Enforcement o ICE detainee locator, kasalukuyang nakadetine si Mark Louis Santiago Mabasa sa Adelanto ICE Processing Center sa California.
Kinumpirma naman ng tiyuhin niyang si Roy Mabasa ang pagkakaaresto, ngunit sinabi nitong wala pa silang natatanggap na detalye tungkol sa dahilan ng pagdetine.
Nasa Estados Unidos ngayon ang pamilya ni Percy Lapid at nagsasagawa umano ng proseso para sa political asylum.
Samantala, hinihintay pa ang pahayag ng Philippine Consulate General sa Los Angeles kaugnay ng insidente.
-- ADVERTISEMENT --









