
Iprepresenta ng House prosecution team ang mga opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay House Prosecutor Terry Ridon.
Ito ay upang patunayan ang mga alegasyon na “fictitious” o gawa-gawa lamang ang mga indibidwal na pinagbigyan ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).Pag-Explore Ng Southeast Asian Cultural Products
Ayon sa mambabatas, kasama ang mga opisyal ng PSA bilang mga testigo sa alegasyon ng misused of confidential funds dahil sila ang nagsagawa ng pag-aaral at ibinunyag ito sa isinagawang House inquiry. Lumabas aniya sa pag-aaral na ang mga pangalan sa acknowledgement receipts gaya ng Mary Grace Piattos, Milky Secuya, at iba pa ay hindi ipinanganak, hindi ikinasal at hindi namatay sa Pilipinas dahil wala sila sa mga rekord ng PSA.
Kayat maipapakita aniya nila na peke at gawa-gawang indibidwal lamang ang mga ito, na nangangahulugang mayroong kababalaghan at maling paggamit sa pondo ng bayan.
Nauna naman nang inihayag ng kampo ng bise presidente noong Pebrero na nakahanda silang ipaliwanag ang paggamit ng mga “alias” para sa confidential funds gaya ng kinukwestyong recipient na “Mary Grace Piattos,” na hawig sa sikat na brand ng chichiria at restaurant.










