
Hiniling ng House prosecution panel sa Senado na payagang salit-salitang magprisinta ng ebidensya ang prosekusyon at depensa sa bawat artikulo ng impeachment laban kay Sara Duterte.
Ayon kay lead prosecutor Gerville Luistro, mas magiging organisado ang pagtalakay sa bawat reklamong nakasaad sa Articles of Impeachment at mas magiging malinaw ang pagbusisi sa mga isyung legal at factual.
Nilinaw naman ng prosecution panel na nasa Senado bilang impeachment court pa rin ang pinal na pagpapasya sa magiging proseso ng presentasyon ng mga ebidensya.










