
Muling magbubukas ang Bureau of Customs (BOC) ng public auction para sa pitong luxury car ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa darating na Pebrero 25, 2026.
Ayon sa BOC, ipasusubasta ang mga sasakyan sa Situation Room, Ground Floor, OCOM Building, Bureau of Customs, Port Area, Manila dakong alas-10:00 ng umaga.
Kabilang sa mga ipasusubasta ang Lincoln Navigator 2024, GMC Yukon Denali 2022, Cadillac Escalade 2021, at Maserati Levante Modena 2022.
Bukod dito, ipasusubasta rin ang GMC Yukon XL Denali 2022, Cadillac Escalade ESV 2022, at Bentley Bentayga 2022 na dating pagmamay-ari ng mga Discaya.
Matatandaang huling round ng public auction ng BOC, tanging ang kontrobersyal lang na Rolls-Royce ang nabenta sa halagang higit P29-M.
-- ADVERTISEMENT --










