Mamimigay ng libreng ‘digital weighing scale’ ang Department of Trade and Industry para sa mga negosyanteng rehistrado sa Tuguegarao City, Cagayan at Ilagan City, Isabela.

Sinabi ni Leah Pulido Ocampo, DTI Region 2 director na ang programa ay para sa tig-dalawampung market vendors na higit na naapektuhan ng pandemya sa Tuguegarao at Ilagan.

Dagdag pa ni Ocampo na posibleng madagdagan pa ang mabibigyan ng libreng kilo sa ibang syudad depende sa pondo ng ahensiya.

Samantala, pinaalalahanan ni Ocampo ang mga negosyante na patuloy ang kanilang pag-iinspeksiyon sa mga timbangan ng pampublikong palengke ng kanilang lungsod upang matiyak na wala itong daya.