Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa pagitan ng 6.4 hanggang 7.4 porsyento ang inflation rate ng bansa para sa buwan ng Setyembre 2026.

Ayon sa BSP, ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay pangunahing idinulot ng epekto ng masamang panahon sa presyo ng mga gulay, isda, kanin, at prutas sa mga lokal na pamilihan.

Nakatulong din sa pag-akyat ng antas ng inflation ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar sa nakalipas na mga linggo.

Bumalanse naman sa naturang pagtaas ang bahagyang pagbaba sa presyo ng karne at ang naitalang tabas sa singil sa kuryente sa parehong buwan.

Mananatili namang nakatutok ang BSP sa mga pagbabago sa pandaigdigang merkado, partikular sa mga kaganapan sa Middle East at mga sakuna sa panahon, upang maglatag ng nararapat na aksyon para sa ekonomiya.

-- ADVERTISEMENT --