
Itinanggi ng Iran ang inilabas na video ni US President Donald Trump na nagpapakita umano ng pagkawasak ng Kharg Island, isa sa pangunahing oil hubs ng bansa.
Ayon sa isang Iranian official, “katawa-tawa” ang naturang pahayag at kalma ang sitwasyon sa Kharg Island, habang nagpapatuloy ang operasyon sa mga oil facility doon. Wala ring nakumpirmang pag-atake sa isla nang ilabas ni Trump ang video.
Lumabas din na AI-generated o gawa ng artificial intelligence ang video na nagpapakita ng malalaking pagsabog sa lugar.
Ang naturang post ay inilabas kasunod ng panibagong paglala ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.










