
Nagbabala ang Islamic Revolutionary Guard Corps na pasasabugin at susunugin ang oil at gas infrastructure sa Gulf Region kung aatakehin ang Iranian energy sites.
Ito ang binasang mensahe ng Iranian state media na iniugnay sa bagong supreme leader na si Mojtaba Khamenei.
Nakasaad din sa sinasabing pahayag ni Khamenei na mananatiling sarado ang Strait of Hormuz bilang “tool of pressure,” sa gitna ng kinakaharap na problema sa langis sa global market.
Sinabi naman ng top security official ng Iran na hindi susuko ang kanilang bansa hangga’t magpapatuloy si US Presidente Trump sa inilunsad na giyera.
Ibinasura din ng Iran ang pagmamalaki ni Trump na mabilis na tagumpay sa giyera.
Samantala, nagsagawa ng panibagong strikes ang Israel sa Beirut, Lebanon matapos na iutos ng defense minister ng Israel sa kanilang militar na maghanda para sa mas matindi pang mga operasyon laban sa Hezbollah na suportado ng Iran.
Marami na ang namatay at marami ang lumikas sa Lebanon bunsod ng mga pag-atake ng Israel.









