
Naglunsad ang Iran ng pinagsamang missile at drone attacks laban sa mga pasilidad militar ng Estados Unidos sa Kuwait at Bahrain, ayon sa Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC.
Ayon sa IRGC, isinagawa ang opensiba bilang tugon sa mga kamakailang airstrike ng Amerika laban sa Iran.
Iginiit din ng Iran na ang naturang pag-atake ay tugon umano sa paglabag ng Estados Unidos sa umiiral na tigil-putukan, na anila’y labag sa unang probisyon ng Islamabad Memorandum of Understanding.
Nagbabala rin ang Tehran na anumang paglabag sa kasunduan ay magreresulta sa tuluyang paghinto ng lahat ng diplomatic processes sa pagitan ng dalawang panig.










