Natukso umano sa alok na pera ang isa sa apat na maleta boys kaya napilitang bawiin ang testimonya laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Atty. Levi Baligod, nagbigay ng text message sa kanya ang isa sa mga apat na nag-recant at humihingi ng tawad sa kanilang nagawa dahil nahirapan daw silang tanggihan ang malaking halaga na pera.

Nagsimula umano ang alok sa ₱5 milyon at umabot hanggang ₱25 milyon.

Sinabi rin ni Baligod na bukod sa apat, merong iba pang nakatanggap ng milyon-milyong alok para bawiin ang kanilang mga testimonya.

Una nang iginiit ng apat na pinilit silang tumestigo laban kay Romualdez.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ng mga ito na pinapirmahan sa kanila ang mga affidavit na nakahanda na pinagbantaan pang kakasuhan kung hindi makikipagtulungan.