Nananatiling isolated ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng San Marcelino, Zambales, matapos tangayin ng malakas na currents sa ilog ang kanilang pangunahing tulay na Sta. Fe Bridge.

Ito na ang ikalawang araw na isolated ang mga residente sa norteng parte ng tulay matapos itong tangayin noong Linggo, ayon sa San Marcelino Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Nangyari ang naturang insidente sa gitna ng walang humpay na mga pag-ulan dala ng hanging habagat.

Sa ngayon, humahanap na ng alternatibong ruta ang mga awtoridad para mahatiran ng tulong ang naturang komunidad.

Samantala, may 119 residente mula sa mga binahang lugar ang na-displace at inilikas sa mas ligtas na mga lugar habang wala namang aktibong evacuation centers base sa datos kaninang umaga.

-- ADVERTISEMENT --