Tinanghal na pinakamatangkad na pulitiko ng Guinness World Records ang isang konsehal na miyembro ng New York City Council na may tangkad na 6’ 10”.

Kinumpirma ng Guinness na ang 53-anyos na si Ro­bert Cornegy, isang city councilman mula Brooklyn, ang pinakamatangkad na pulitiko sa buong mundo matapos niyang makuha ito sa dating world record holder na 6-foot, 7 1/2-inch lamang ang tangkad.

Kinailangang sukatin si Cornegy ng Guinness ng anim na beses sa loob ng isang araw.

Ngunit ,nakikitang hindi magtatagal kay Cornegy ang titulo dahil ang mayor ng Warrenville Heights, Ohio na si Brad Sellers, ang maaring pinakamatangkad na pulitiko sa buong mundo.

Pitong talampakan ang dating Chicago Bulls basketball player ngunit hindi pa siya nag-aaplay upang opisyal na kilalanin ng Guinness para sa record.

-- ADVERTISEMENT --