Ipinahayag ng Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh na magbibigay ang pamahalaan ng Israel ng lifetime support sa pamilya ng Filipino caregiver na si Mary Ann Velasquez De Vera, na nasawi sa isang missile attack sa Tel Aviv.

Ayon kay Kursh, ang pagkamatay ni De Vera ay dulot ng Iranian retaliatory strike kasunod ng atake ng Israel at US sa Iran na ikinasawi ng daan-daang katao.

Ipinaliwanag ng embahador na sa ilalim ng batas ng Israel, ang mga pamilya ng nasugatan o nasawi sa isang digmaan, kabilang ang mga dayuhan, ay may karapatan sa lifetime benefits, kabilang ang pinansiyal na tulong at livelihood support. Ang pag-release ng benepisyo ay io-oversee ng Israeli national security agency.

Sinabi rin ni Kursh na siya mismo ang tatanggap sa bangkay ni De Vera pagdating nito sa Pilipinas, bagama’t wala pang tiyak na petsa para sa repatriation.