Magsasagawa ang Department of Labor and Employment ng tatlong jobs fair sa magkakahiwalay na petsa at lugar sa lalawigan ng Apayao ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Jun Saleo-an, focal person ng DOLE-Apayao bukas ang jobs fair para sa 18-pataas, nakatapos man ng pag-aaral o hindi na gustong makahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa.

Magdala lamang ng maraming kopya ng resume o bio-data at iba pang kailangang dokumento para sa mas mabilis na proseso ng aplikasyon.

Umaasa naman si Saleo-an na marami ang makukuha sa on the spot hiring dahil sa pangangailangan ng mga kumpanyang kalahok lalo na sa kon struksyon at office works.

Ang jobs fair ay idaraos sa bayan ng:

-- ADVERTISEMENT --

1. Flora sa June 19

2. Pudtol sa June 24

3. Conner sa June 25

-with reports from Bombo Efren Reyes Jr