
Inilabas na sa Cardinal Santos Medical Center nitong Sabado, Setyembre 12, ang dating House Speaker na si Martin Romualdez at inilipat sa University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) para sumailalim sa independent medical examination na iniutos ng Sandiganbayan.
Na-confine si Romualdez sa Cardinal Santos mula noong Lunes, nang siya ay arestuhin sa naturang ospital matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay ng ₱7.44-bilyong plunder case.
Nakaiskedyul sa Lunes ang pagdinig ng Sandiganbayan upang alamin kung kailangan pa ring manatili ni Romualdez sa ospital, batay sa magiging resulta ng pagsusuri ng medical team ng UP-PGH.
Kinasuhan ng Ombudsman si Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at dalawa pa ng plunder.
Ayon sa alegasyon, tumanggap umano sina Romualdez at Co ng mga komisyon, bahagi, kickback at iba pang pinansyal na benepisyo mula sa mga proyekto sa flood control.








