
Naniniwala si Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na mayorya ng mga miyembro ng House committee on justice ang boboto para ideklarang may probable cause ang mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, hindi na raw simpleng smoking gun ang mga ebidensya kundi mas mabigat na umano ito, matapos ilahad ng Anti-Money Laundering Council ang mga transaksyong umaabot sa ₱6.7 bilyon na may kaugnayan sa Bise Presidente at kanyang pamilya.
Nakatakdang idaos ang susunod na pagdinig ngayong Miyerkules, Abril 29, na posibleng maging huling hearing. Dito tatalakayin pa ang ibang reklamo, kabilang ang alegasyon ng pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Ridon, inaasahan niyang maaaprubahan ng komite ang report na magrerekomenda ng impeachment at makakakuha ng sapat na boto para maipasa ito sa Senado.
Samantala, sinabi ni Justice Committee chair Rep. Gerville Luistro na posibleng bumoto na sa probable cause matapos ang pagdinig kung wala nang hihiling ng dagdag na hearing.










